Pagsasapribado ng mga pampublikong ospital, inalmahan

TUTUNGO ngayong umaga sa harap East Avenue Medical Center sa Quezon City ang isang grupo ng maralitang lungsod upang maglunsad ng kilos protesta laban sa tumataas na halaga ng mga serbisyo sa mga pampublikong ospital at nakaambang pribatisasyon ng mga ospital ng gubyerno.

Dala nila ang isang kabaong na sumisimbolo umano sa lumalalang krisis sa kalusugan sa bansa na dapat umanong agarang aksyunan ng administrasyong Aquino.

Ayon sa grupo, 6 sa 10 maysakit na Pilipino ang namamatay ng walang kaukulang atensyong medikal, at inaasahan pa itong lumalala sa patuloy na pagtalikod ng gubyerno sa responsibilidad nitong maglaan ng serbisyong pangkalusugan sa mamayan.

Ang protesta ng mga maralita ay isasagawa isang araw bago ang nakatakdang malawakang pagwo-walk-out ng mga manggagawang pangkalusugan bukas, Oktubre 25 laban sa pribatisasyon ng mga ospital ng gubyerno gaya ng Philippine Orthopedic Center, San Lazaro Hospital, Research Institute for Tropical Medicine at iba pang ospital ng gobyerno. Samantala, 26 na pampublikong ospital pa ang minamadaling gawing ‘government corporations’ na administrasyong Aquino.

Kinondena rin ng grupo ang pagpapatupad ng mga pampublikong ospital ng iba’t ibang proma ng revenue enhancement programs o pagkakakitaan tulad sa Philippine General Hospital (PGH) na sinisingil na ang mga indigent na pasyente, at sa iba pang ospital, nagtaas na ng singilin sa laboratory at xray ng 100% hanggang 200%.

“Hangga’t nanatiling sunud-sunuran ang gubyernong Aquino sa dikta ng mga international financial institutions na bawasan ang pondo ng gubyerno para sa mga serbisyong panlipunan, lalala pa ang kahirapang dinaranas ng maraming Pilipino at mas marami pa ang mamamatay sa mga sakit na maari namang magamot,” ani Bagasbas.

Nanawagan ang Kadamay sa gubyernong Aquino na itigil na ang pribatisasyon ng mga pampublikong ospital at mga serbisyong pangkalusugan, at maglaan ng pondong nagkakahalagang P527 bilyon para sa kalusugan o katumbas ng 5% ng GDP ng bansa ayon sa UN standard.

Ayon pa sa grupo, hangga’t hindi umano ito ipinapatupad ng gubyerno, dapat aktibong makilahok ang mga maralita sa mga protestang ilulunsad ng mga manggagawang pangkalusugan kagaya ng magaganap na walk-out sa mga ospital bukas ng tanghali.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply