Pagsibak kay Mayor Maliksi, hinarang ng SC

PINIGIL ng Korte Suprema ang pagpapatupad sa kautusan ng Commission on Elections na mapaalis sa puwesto si Imus Cavite Mayor Emmanuel Maliksi.

Iyan ay sa pamamagitan ng temporary restraining order na inisyu ng kataas taasang hukuman, alinsunod mismo sa utos ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Nauna nang nagpalabas ang Comelec En banc, sa botong 4-2 ng kautusan na mapaalis sa pwesto si Maliksi dahil sa umano’y election fraud o pandaraya sa eleksyon.

Sa resolusyon ng Comelec, pinawalang bisa nito ang desisyon ng mababang korte sa Cavite na nagdedeklara kay Maliksi bilang nanalong kandidato sa pagka-alkalde, habang idineklara naman nito bilang nagwaging kandidato sa pwesto si Homer Saquilayan.

Gayunman, dumulog sa Korte Suprema ang kampo ni Maliksi nitong ika-2 ng Oktubre kung saan humirit ito na magpalabas ng TRO kontra sa Comelec resolution na hindi naman sinang-ayunan ng ponente sa kaso na si Associate Justice Antonio Carpio.

Sa ilalim ng batas, may kapangyarihan ang Punong Mahistrado na magpalabas ng TRO, pero ito ay kinakailangang dumaan sa kumpirmasyon ng SC en banc sa susunod na regular meeting ng mga mahistrado.

Bagamat, dumaan na sa regular en banc session ang kaso, nagpasya pa rin si Sereno na kusang mag-isyu ng TRO nang kahit walang rekumendasyon mula sa ponente nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply