Pagsibak sa 2 PDEA regional director, normal lang

NILINAW ni Philippine Drug Enforcement Agency Public Information Director Derrick Carreon na normal lamang na proseso ng ahensya ang ginawang pagsibak kina PDEA Region 3 at 1 Directors Lyndon Aspacio at Roybel Sanchez kasama  ang Admin Officer nilang si Dolorsindo Paner Jr ng Intelligence and Investigation Service.

Ito’y kaugnay sa alegasyong sangkot sila sa pagtatanim ng ebidensya laban sa isang sundalo na dating jail warden ng ahensya.

Sinabi ni Carreon na ang proseso ay bilang pagbibigay-halaga lamang ng ahensya sa bawat alegasyong kanilang natatanggap kayat pansamantalang isolated sa Admin Holding Office ang tatlo na inilagay sa floating status habang isinasailalim sila sa imbestigasyon

Samantala, pinabulaanan din ni Director Carreon ang kumalat na balita sa pamamagitan ng text messages na patay na si PDEA Dir Gen Jose Gutierrez Jr.

Ani Carreon maliwanag na paninira lamang sa PDEA ang naturang balita upang dagdagan pa ang kontrobersiyang ipinupukol sa ahensya na magpapatuloy na gampanan ang mandato upang labanan ang salot na droga sa ating bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply