Pagsisiga sa sementeryo iwasan – EcoWaste

NAGBABALA ang EcoWaste Coalition sa publiko lalo na sa mga dadalw sa puntod ng kani-kanilang yumaong kaanak na iwasan ang pagsisiga kapag maglilinis sa loob ng sementeryo.

Batay sa joint statement ng ECoWaste at ang grupo ng mga doctor ng Philippine College of Chest Physicians, nakasasama sa kalusugan ang pagsisiga bukod pa sa labag anila ito sa batas.

Ayon sa grupo, ang babala ay kanilang inilabas kasunod na rin ng obserbasyon sa Manila North Cemetery maging sa South Cemetery na may mga ilang nagsisiga na lubos umanong mapanganib sa kalusugan ng tao kapag nalanghap ang kemikal mula sa mga lata ng mga pintura.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply