Pagsusulong ng Sin Tax Bill, kalusugan alalahanin – Flavier

MARIING ipinaalala ni dating Senador at Health Secretary Juan Flavier na maisulong ang kalusugan kaugnay sa pagpapasa ng panibagong bersyon ng Sin Tax Bill.

Sinabi ni Flavier na dapat tiyakin ng mga senador na makakamit ng ipapasang Sin Tax Bill ang pangunahing agenda na mabawasan ang mga nagkakasakit bunsod ng pag-inom ng alak at paninigarilyo.

Ayon sa dating senador, ang bersyon ng senado, sa halip na mas mapataas ay mas pinababa pa nito ang buwis na ipapataw sa sigarilyo kaya’t posibleng mas maraming mahihirap na at menor de edad ang
maaring bumili ng sigarilyo.

Sa ilalim ng bersyon ni Recto, P15-bilyon lamang ang makokolekta sa sin tax kalahati sa P30-bilyon sa inaprubahan ng kamara.

Samantala, nangangamba naman ang grupong Health Justice Philippines sa pagtaas ng bilang ng mga kabataang naninigarilyo sa bansa dahil sa mas mababa ang presyo ng sigarilyo sa Pilipinas.

Sa pag-aaral ng Health Justice Philippines, isa sa bawat apat (1/4) na bata na may edad 13 taong gulang ang naninigarilyo.

Sinabi naman sa pag-aaral ng American Cancer Society at World Lungs Foundation na ang Pilipinas ay ang may pinakamataas na bilang ng naninigarilyo sa South East Asia, at pang siyam naman sa buong mundo.

Naniniwala ang grupo na kapag itinaas ang buwis sa sigarilyo ay mababawasan ang mga kabataan na naninigarilyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply