Pagtalaga kay Padaca, kinuwestiyon ni Santiago

MALAMANG mahirapan si bagong Commission on Election (Comelec) Commissioner Maria Gracia “Grace” Padaca na makalusot sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) matapos kuwestiyunin ng isang miyembro ang pagkakatalaga dito.

Sa panayam, kinuwestiyon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang pagkakatalaga kay dating Isabela Governor Grace Padaca bilang Comelec commissioner.

Ayon kay Santiago, alinsunod sa Saligang Batas, hindi maaring italaga bilang commissioner sa poll body o sa iba pang constitutional body ang isang kumandidato sa pinakahuling halalan.

Giit ng senadora aplikable ito kay Padaca na kahit hindi tumakbo noong 2011 barangay elections ay kumandidato sa pagka-gobernador noong 2010 elections.

Paliwanag pa ni Santiago, ang layunin ng mga bumuo ng Konstitusyon ay maiwasan na mahaluan ng politika o partisanship ang proseso at implementasyon ng election laws.

Dahil dito, balak ni Santiago na tanungin kay Padaca ang naturang isyu sa pagharap nito sa kanyang confirmation hearing sa Commission on Appointments.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply