Pagtalaga ng 800 marines sa West Phl Sea, itinanggi ng AFP

ITINANGGI ngayon ni Armed Forces of the Philippines Western Command Chief Lt. Gen. Juancho Sabban ang balitang nag-deploy sila ng 800 na Philippine Marines sa West Philippine Sea.

Ayon kay Sabban, nanatili sa ‘defensive posture’ ang kanilang pwersa sa West Philippine Sea.

“Walang katotohanan ang ulat na nasa ‘aggressive mode’ kaya nag-deploy ng mahigit sa 800 Philippine Marines sa nasabing isla, ayon kay Sabban.

Nilinaw pa ni Sabban na sapat ang kanilang pwersa para sa pagbigay ng proteksyon sa pinag-aagawang isla. “We are in the highest spirit in protecting our area,” ani Sabban.

Una nang napaulat na may deployment ng higit sa dalawang battalion ng armed forces sa Palawan at nagbukas ng bagong headquarters para sa pinag-aagawang Spratly island.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply