Pagtanaw ng utang na loob ang sikreto ng tagumpay!

MASAYANG-masaya si Angelica Panganiban nang makatsikahan namin sa 4th anniversary ng ‘Banana Split: Extra Scoop’ sa  Music Museum at palabas sa Sabado sa ABS-CBN 2.

Ngayon lang ba niya naramdaman ‘yung kaligayahang ‘yun?

“I believe na naramdaman ko ito dati pero hindi ko alam kung bakit ganoon siya nagma-manify ngayon. I hope and I believe na  totoong sobrang saya ako kaya ganon kalakas ang loob ko na i-share sa mga tao ‘yung mga nararamdaman kong ito.

Open na ba sila ni John Lloyd Cruz?

“Well, oo, oo naman kaya lang parang what you see is what you get. Hindi na ako magdedetalye pa. Mas gusto ko ‘yung mas tahimik,” sey niya.

Sabi ni Lloydie, sobrang saya niya ngayon, ano comment niya?

“Ako rin,” sabay ng isang matamis na ngiti.

Pero bukod kay Lloydie meron din siyang sobrang love.

“Sobrang love ko ang ‘Banana Split’. Eto na ‘to pamilya. May kumpetisyon na siya sa first family ko, ganun. Sobrang  mahal na mahal ko itong grupo na ito,”  bulalas pa niya.

“Natutuwa ako na nagtagal ang show hindi dahil sa contract kundi dahil sa pagmamahal sa amin ng mga tao,” aniya.

Ano’ng feeling na siya na lang ang naiwan sa original cast ng ‘Banana Split’ na puro babae?

“Kung iisipin ko lang, proud ko namang sabihin na siguro pinakamagandang weapon na meron akong pakikisama, mula noon hanggang ngayon ay nakasundo ko naman ang mga part ng ‘Banana Split’. Sana  ma-maintain ko ‘yung ugaling ‘yun para humaba pa.

“At saka kahit anong natatanggap kong achievement lagi kong pinasasalamatan ang ‘Banana Split’ at si Direk Bobot lalong-lalo na sa comedy dahil si Direk Bobot ang unang-una na naniwala sa akin,” sambit pa niya.

Talbog!

-0o0-

BUONG ningning na inamin ni Anne Curtis na hindi niya puwedeng banggitin ang pangalan ng kanyang leading man na si Derek Ramsay pag pino-promote sa ABS-CBN 2 ang A Secret Affair na showing sa October 24. Kahit sa Showtime ay banned ang pangalan ni Derek.

“Ano ang magagawa ko, di ba? I mean, in the beginning, yes, I was frustrated of the thought that I couldn’t even say the name of my leading man on Showtime. But, at the end of the day, that’s the way it’s supposed to be. I mean, they have their own reason so I have to respect that bilang nagtatrabaho po ako roon. So, ayoko na lang to imbibe the negativity di ba? Think about the positive na lang and all-out na lang on other channels,” deklara niya.

Kahit si Derek ay kinunan din ng reaksyon, nalungkot siya sa nangyari pero hindi siya nagagalit.

“Like Anne said, I’m sure they have their reason why so I will just respect it. What can I do? I respect the decision. Like Anne said, we will just focus on the other channel or other promo. Sad, but that’s the way it is.”

Isa si Derek sa importanteng actor ng Kapamilya network na lumipat sa TV5 at hanggang ngayon ni pangalan niya ay bawal banggitin sa ABS-CBN 2.

-0o0-

RAMDAM na talaga ang nalalapit na Kapaskuhan. Liliwanag na ang Pasko sa mga kuwento ng kabayanihang pupukaw sa ating mga damdamin simula ngayong Oktubre dahil inilunsad last Oct. 17 ang  Christmas station ID ng ABS-CBN.

Pinamagatang Lumiliwanag ang Mundo sa Kwento ng Pasko. Sasalamin ito kung paano nananaig ang pag-asa at pagtu tulungan sa puso ng mga Pilipino sa panahon ng mga kalamidad na sumasalanta sa bansa.

“Ipapakita namin rito kung paano nagsisilbing tanglaw o ilaw ang bawat Pilipino sa kanilang pagtulong sa kanilang mga kababayan na makaahon sa pagkakalugmok. Ang bansa ay talagang likas na mayaman sa mga taong busilak ang puso at laging handang magmalakasakit sa nangangailangan,” sabi ni head of Creative Communications Management Robert Labayen.

Ayon pa kay Labayen, karamihan sa mga eksenang kinunan sa station ID ay hango sa mga totoong kuwentong nangyari sa kasagsagan ng paghagupit ng habagat tulad na lang ng bumbero niligtas ang buhay ng mga na-stranded sa kanilang mga bahay; isang chef na binuksan ang pintuan ng kanyang restaurant para pakainin ang mga biktima; isang aleng nag-alok ng kanyang jacket sa isang batang palaboy na nilalamig dala ng ulan; at maging mga sibilyang nag-alay ng kanilang oras para sumali sa mga relief operation.

Ang mga simpleng istoryang ito ang siyang bumubukod sa kampanya ng ABS-CBN para sa taong ito dahil hinihimok nito ang mga manonood na ibahagi ang ilaw na nagmumula sa kanilang mga puso sa pamamagitan ng paggawa rin ng kanilang sariling kuwento ng kabayanihan.

Kaya naman daan daang Kapamilya stars ang magbibigay pugay sa mga makabagong bayaning Pinoy sa station ID. Muli ring gagawing simbulo ang parol para kumatawan sa ilaw na magpaliliwanag sa mundo ngayong Kapaskuhan.

Mabibili ang Kapamilya parol sa SM Kultura at ABS-CBN Studio Store. Maari ding mag-order online sa abscbnstore.multiply.com.

Ang station ID theme song na Kwento ng Pasko ay inawit ng mga Kapamilya stars na kinabibilangan nina Sarah Geronimo, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Vina Morales, Billy Crawford; Champions na sina Angeline Quinto, Yeng Constantino, Erik Santos, Jed Madela, Christian Bautista, Bugoy Drilon, Marcelito Pomoy, Jovit Baldivino; Sessionistas na sina Aiza Seguerra, Richard Poon, Juris, Princess, Sitti, Kean Cipriano at Bamboo; kid singers mula sa ABS-CBN Star Magic; X Factor Philippines Grand Winner KZ Tandingan, Daniel Padilla at Piolo Pascual. Ito ay sinulat ni Labayen at musikang likha naman nina Marcus at Amber Davis.

Ang station ID at pagbebenta ng Kapamilya Parol ay bahagi ng malawakang Christmas campaign ng ABS-CBN. Bahagi rin ng kampanya ang Kapamilya Simbang Gabi, viewer promo, at inaabangang Christmas special.

Nilikha ng ABS-CBN Creative Communications Management ang 2012 Christmas station ID sa pangunguna nina Labayen, Johnny Delos Santos, Patrick de Leon at Ira Zabat. Ito ay sa direksyon ni Paolo Ramos kasama si Peewee Gonzales. Si Melo Saliendra, head of Print Graphics and Design, naman ang gumawa ng logo design. Ang SID Creative and Production team ay kinabibilangan nina Dang Baldonado, Danie Sedilla-Cruz, Edsel Misenas, Kathrina Sanchez, Christina Barbin, Christine Joy Laxamana, Marchie Blaire Mallari, Sheryl Ramos, Adrian Lim, Carla Payongayong, Chiz Constantino-Perez, Christine Daria-Estabillo, Lota Rosales, Lloyd Corpuz, Mark Bravo; kasama sina Cookie Bartolome, Baroy Morga, at Chris Wong ng ABS-CBN Marketing; ABS-CBN TV Entertainment, ABS-CBN News and Current Affairs, ABS-CBN Regional Network Group, at ABS-CBN Global.

Kalahok din sina Jaime Porca, Technical Production head;  Rommel Andreo Sales, Director of Photography; Sam Esquillon, Production Designer; Oliver Paler, Alfie Landayan, Meryl Miranda, Con Ignacio, Post Production Team; Jimmy Muna, sound engineer; Winnie Mariano, artist coordinator; Mary Ann Rejano, Remy Sotto, Talent Caster; Marvin Bragas,  Location Manager;  Marileth Abejero, Photographer; at Darwin Duenas, Production.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply