Pagtatakip ng tunay na antas ng kagutuman sa bansa, kinondena

NAGLUNSAD ng kilos protesta ang mga manggagawa kaninang umaga sa tanggapan ng National Statistical Coordination Board o NSCB laban sa anilaý pagtatakip ng tunay na antas ng kagutuman sa bansa.

Pinangunahan ng Kilusang Mayo Uno o KMU ang protesta sa NSCB sa Lungsod ng Makati ng alas-diyes kanina na kinatumapukan ng pagluhod ng mga manggagawa sa mga butil ng munggo.

Pagsasalarawan umano ito sa patuloy na paghihirap at kagutuman ng maraming mamamayang Pilipino na sinisikap naman daw pagtakpan ng NSCB.

Idineklara ng NSCB nitong nakaraang lingo na kailangan lamang ng isang pamilyang may limang kasapi ng isang daan at pitumpu’t dalawang piso kada araw upang hindi maibilang sa hanay ng mga nagugutom.

Ayon sa KMU, kulang na kulang ang naturang halaga upang mapunan ang pangangailangan sa tamang nutrisyon ng isang pamilya sa isang buong araw.

Binibigyang katuwiran din umano ng NSCB ang kaltas-sahod laban sa mga manggagawa sa mababang pagtaya sa badyet para sa pagkain ng pamilyang Pilipino.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply