Pagtatatag ng Bangsamoro, tanggap ni Hataman

MALUGOD at buong pusong tinatanggap ni Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Acting Governor Mujiv Hataman ang pagtatatag ng Bangsamoro political entity.

Kaugnay nito, welcome rin ang framework agreement ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF) na nagresulta sa pagkakatatag ng Bangsamoro political entity.

Ayon kay ARMM Acting Governor Mujiv Hataman, walang magiging epekto sa naturang rehiyon ang pagbuo sa bagong political entity sa ngayon.

Tiniyak naman ni Hataman na gagawa sila ng serye ng mga aktbidad upang ipaalam sa mga local government unit (LGU) ang nakatakdang pagbuwag sa ARMM.

Aminado naman ang dating Anak Mindanao partylist representative na marami ang nagtatanong sa kanya hinggil sa kasasapitan ng rehiyon.

Paglilinaw ni Hataman, wala pang dapat ipangamba dahil sa taong 2016 pa naman opisyal na itatatag ang Bangsamoro kapalit ng ARMM.

Tiniyak din ng dating mambabatas na magpapatuloy ang 2013 midterm elections sa nabanggit na rehiyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply