Pagtutulak ng droga sa loob ng bilangguan, nabuko

SA nabukong pagpuslit ng droga sa loob ng kulungan,  malaki ang posibilidad na may nagaganap na bentahan ng shabu sa loob mismo ng Benguet Provincial Jail (BPJ).

Ito ang sinabi kanina (Oktubre 9) ni Peter Tip-ac, officer in charge ng BPJ, kaya ipinatutugis na ngayon niya ang suspect na nakilalang si Analyn Esteban na ka live-in partner ng isa sa kanilang preso na si Samir Gandalali.

Si Esteban ang nagdala sa loob ng BPJ ng isang lunch box na may laman na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P4,000 nitong nakaraang Lunes.

Ayon kay Tip-ac, umalis din naman kaagad si Esteban sa BPJ at idinahilan na mayroon pa itong mahalagang pupuntahan.

Dahil sa standard operation procedure o (SOP) sa kulungan, inispeksyon muna ng mga jail guards ang nasabing lunch box at sa pagkahalungkat ay nakita sa ilalim ng kanin at ulan ang sachet ng shabu.

Dahil naman sa dami ng drogang nakumpiska, paniwala  ng jail guards na ibebenta ito sa mga presong adik sa  loob ng bilangguan.

Nakilala naman agad si Esteban sa pamamagitan ng  CCTV camera na nakakasa sa bilangguan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply