Pahayag ng Pangulo vs mga progresibong party list, tinuligsa

TINULIGSA ni Anakpawis Party vice chairperson Fernando Hicap ang hirit ni Pangulong Benigno Aquino laban sa mga progresibong party samantalang todo suporta naman sa grupong Akbayan.

Ipinapakita lamang ng Presidente ang kawalan ng pag-unawa sa kahalagahan ng tunay na representasyon para sa mga magsasaka, manggagawa at iba pang batayan sektor sa kanyang mga pahayag, ayon sa Anakpawis.

Ayon kay Hicap, hindi na nakapagtataka na negatibo ang komentaryo ni Aquino laban sa kanilang hanay dahil ito ay galing sa pamilyang may lupa at kabilang pa sa dinastiya sa politika.

Ito ang klase ng politika ng Pangulo na inasahan na ring magtatanggol sa milyon-milyong donasyon ng kanyang mga kapatid sa grupong Akbayan, dagdag pa ni Hicap.

Itinuturing ng Anakpawis na magkatuwang na oportunismo ang mayroon sa pagitan ng Akbayan at mga Aquino.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply