Paje-rap siya sa DENR

MAY ilang onorabol na itinuturing na sagabal para kay Boss PNoy tungo sa pagtahak ng tuwid na daan. At tila matatagpuan ang isa sa kanila sa Department of Environment and Natural Resources.

Tingnan ninyo, Suki, pumapalag ang Commission on Appointments, maging ang DENR Employees Union, sa kagustuhan ng onorabol na ito na makumpirma bilang pinuno ng nasabing departamento.

Obyus na ba na ang tinutukoy natin na onorabol ay walang iba kundi si DENR Secretary Ramon Paje?

oOo

Tingnan ninyo, Suki, ang mga dahilan kung bakit pumapalag ang CA na kinabibilangan nina Sen. Serge Osmeña at Koko Pimentel at ang mismong DENREU sa kumpirmasyon ni Paje.

Isang malaking problema kay Paje ang tila hindi nito pagpapatupad ng Executive Order 23 mismo ni PNoy na naglalayong patigilin ang logging sa buong bansa dahil sa mga disgrasya na dulot ng mga kabong kagubatan.

Maya’t maya na lang ay may mga nahuhuli na puslit na mga troso at tablon mula sa mga lalawigan patungo sa Kamaynilaan. May kinalaman ba rito ang sinasabi ni Isoceles Otero na special assistant noon ni nasirang Jessie Robredo na sangkot sa pagtotroso ang mismong Anti-Illegal Logging Task Force, na pinamumunuan ni Paje bilang chairman,  sa iligal na pagtotroso?

At may sabwatan umano sa pagitan ng mga logger at ng Central Office ng DENR at Malacañang dito.

oOo

Ayon naman sa DENREU, may alaga si Paje na isang midnight appointee ni Gloripie, si Atty. Daniel Macaraeg NIcer.

Sabi ng DENREU, Suki, lumikha si Paje ng posisyong Assistant Secretary for Anti-Corruption and Internal Audit para kay Macaraeg ngunit walang ganitong plantilla sa DENR.

Pinababayaan din daw  ni Paje ang katiwalian ng ilang taga-DENR sa Bicol  dahil mga bata umano ang mga ito ni Cong. Dato Arroyo na anak naman ni Gloripie.

Heto pa. Prinomot din ni Paje bilang assistant secretary si Analiza Teh dahil ito umano ang tagapag-ingat ng mga sikret sa DENR.

Itong si Paje pala ay di baguhan sa DENR at isa siyang ehemplo ng isang opisyal “who rose from the ranks”at 24 anyos na siya sa DENR.

Ito ang dahilan kung bakit alam nito ang mga pasikot-sikot na mga daan sa DENR, kabilang na ang mga big joke dito na dahilan para yariin siya sa CA at pandidilatan ng DENREU. O PNoy, paano itong itinuturing na Paje-rap sa DENR?

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply