Palasyo kay ex-Nat’l Treasurer Briones: Manahimik ka na lang

BINUWELTAHAN ng Malakanyang ang paratang ni dating National Treasurer Leonor Briones kaugnay sa paghahayag ng lumalala at nananatili ang korapsiyon sa bansa.

Dahil dito, pinayuhan na lang ng Malacañang si Briones na manahimik na lamang dahil wala na ito sa gobyerno.

Sinabi ni Briones na mas lumala pa ang katiwalian sa Administrasyon Aquino dahil nalustay umano ng Aquino Administration ang mahigit P100 bilyong na nakasaad sa report ng Commission on Audit (COA).

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, walang katotohanan ang akusasyon ni Briones at hindi naman alam ni Briones ang buong katotohanan.

Binigyang diin pa nito na si Briones ay wala na sa gobyerno at hindi tama ang mga nakukuhang impormasyon

Payo ni Lacierda, dapat ay basahin na lamang muna ni Briones ang orihinal na report ng COA at sa halip na pagbasehan ang mga lumalabas na mga balita o report.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply