Palasyo: Legalisasyon ng prostitusyon, Kongreso bahala

IPINAUUBAYA ng Malakanyang sa Kongreso ang rekomendasyon ng United Nations (UN) na gawing legal ang prostitusyon sa Asya at Pacific Region kabilang na ang Pilipinas.

Batay sa report ng UN, ang pag-decriminalize sa prostitusyon na itinuturing na pinakamatagal ng “propesyon” sa mundo ay makatutulong para mapigilan ang pagkalat ng mga sexually transmitted diseases lalo na ng human immunodeficiency virus (HIV).

Subalit ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ang kongreso ang nangangasiwa sa paggawa ng mga batas sa Pilipinas kaya bahala na ang mga mambabatas kung papatulan ba nila ang rekomendasyon ng UN.

Ayon kay Valte, puspusan ang kampanya maging ng mga lokal na pamahalaan laban sa mga nagpapatakbo ng prostitusyon sa bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply