Palasyo: Leonen, kawalan sa gabinete

KAWALAN sa gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III si Government Chief Negotiator Marvic Leonen sa oras na panindigan nito ang kanyang nominasyon  na maging Associate Justice ng Supreme Court.

Si Leonen ang chief negotiator para sa MILF  kung saan ay naging matagumpay ang paglagda ng pamahalaan at MILF sa Framework Agreement.

“Nakita naman po natin ‘yung pagsulong ‘nung mga pag-uusap ngayong chief negotiator po si Dean Marvic and certainly marami na pong goodwill na na-generate doon sa kanilang mga pag-uusap. Ayoko po muna kasing mag-komento ngayon dahil syempre si Dean Marvic din naman ‘yung magde-desisyon kung sakaling kung mananatili ba siya o ipu-pursue niya ,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Sa ulat, tinanggap na ni Leonen ang nominasyon nito para maging Associate Justice ng Korte Suprema.

“That I will have to ask the President. I am not quite sure if he has discussed that. To my knowledge, Dean Marvic has accepted the nomination,” ayon kay Valte.

Nakita naman, aniya, ng publiko ang naging palakad ni Leonen, ang pagsulong ng usapang pangkapayapaan sa MILF.

Malaki, aniya, talaga ang naging kontribusyon nito ni Leonen sa peace panel partikular na sa pagpirma ng framework agreement sa pagitan ng pamahalaan at MILF.

Samantala, bahala na, aniya, sina Pangulong Aquino, Leonen at Sec. Ging Deles ng OPAPP na pag-usapan ang posibilidad na pag-alsa balutan ni Leonen sa gabinete ng Punong Ehekutibo at kung dapat na manatili ang huli bilang chief negotiator lalo pa’t ang mga annexes ay hindi pa natatapos.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply