Palatino maghahain ng internet freedom bill

NAKATAKDANG maghain ng panukalang batas na kokontra sa Cybercrime Law si Kabataan Party-list Rep. Raymond Palatino.

Ito, aniya, ay upang mabigyan ng karapatan ang mga netizen na gumagamit ng internet at social medias sa kanilang pagpapahayag na posibleng masagasaan ng nasabing batas.

Ayon kay Palatino ang kaniyang ihahain ay kikilalaning Internet Freedom Bill na tuwirang magpapawalang bisa sa Republic Act 10175 o ang Cyber Crime Prevention Act of 2012 kung saan layong bigyang proteksyon din ang mga netizens.

Sinabi pa ng kongresista na sa ilalim ng ipinasang batas, imbes na protektahan ang mga gumagamit ng internet ay pinagbabawalan pa ang mga ito at hinaharang ang karapatan sa freedom of expression at freedom of speech.

Kasabay nito ay ilalatag nila ang mga hindi maiaalis na mga karapatan ng mga internet users upang matiyak na malaya ito sa censorship at totalitarian suppression anumang paraan ng pagpigil dito.

Naghain din ng petisyon sa Korte Suprema ang Kabataan Partylist para ipahinto ang implementasyon ng Cybercrime Law.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply