Palayan City Mayor pinagpapaliwanag ng Ombudsman

PALAYAN CITY–Inutusan ngayon ng Ombudsman si Palayan City Mayor Romeo Capinpin na sagutin ang dalawa kaso ng katiwalian na isinampa laban sa kanya ng isang konsehal ng lunsod.

Sa record ng kasong graft na isinampa ni konsehal Antonio Bautista nabatid na ang Sanggunian Panglunsod ay nag allocate o naglaan ng P4.5 M para sa repair ng BAI facilities at slaughter house sa brgy Atate, ditto.

Subalit sa halip na i-repair at i-rehabilitate ang lumang gusali ay pinagiba ng nasabing mayor at ang na kuhang yero at iba pang materyales na na-salvage ay ginamit niya para sa pagtatayo sa kanyang sariling farm house.

Ang masakit pa dito, ayon sa reklamo, ang pondo pang repair ng lumang gusali ay nawawala.

Ang isa pang kaso ay ang pagpapatayo ng P10 – M DRRMC Operation Center  na una pa lang ay kinuwestion na ng Sangguniang Panglunsod dahilan sa walang kaakibat na ordinansa mula sa Sangguniang na sinasabi na ito  ay paglabag sa Rule 6 Section of IRR of RA 10121.

Base sa Article 220, ang illegal used of public funds or property without appropriation mula sa Sangguniang Panglunsod is also a Technical malversation.

Sa dalawang pahinang kautusan  na pinalabas ni Director Adoracion A. Agbada, Director, EIO-B ng Ombudsman ,sinasabi na sagutin ang reklamo at magpaliwanag sa mga isyu na ipinukol sa kanya.

Binigyan ni Agbada ng sampung araw mula sa pagkatanggap ng order si Capinpin para sagutin ang dalawang kasong criminal at mga kasong administratibo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply