Palengke nasunog sa N. Ecija; 42 tindahan naabo

TINATAYANG 42 tindahan ang natupok makaraang masunog ang isang palengke sa San Jose City, Nueva Ejica, bandang kagabi.

Bandang alas-10:00 kagabi nang magsimula ang sunog na naapula dakong alas-12:00 ng hatinggabi.

Kasalukuyan pa ring inaalam ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang halaga ng ari-ariang naabo.

Nangako naman ng tulong ang lokal na pamahalaan upang magkaroon ng pansamantalang mapupuwestuhan ang mga manininda.

Ang naturang palengke ay sinasabing luma na ay itinayo noon pang 1992.

Wala namang naitalang nasaktan o namatay sa insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply