Paligid ng UST, todo bantay sa huling linggo ng bar exams

LALO pang hinigpitan ang seguridad sa paligid ng University of Santo Tomas kung saan huling  linggo ng pagsusulit ng mga bar candidates ngayong araw.

Nabatid na kabilang sa paghihigpit ng pulisya anghindi pagpapasok sa loob ng unibersidad sa mga sasalubong sa mga bar examinees.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagdadala ng mga streamer, tarpuline, pag-uumpukan ng mga grupo at mga hiyawan upang maiwasan ang pikunan, na sanhi ng gulo.

“Bawal po ang streamer, mga grouping, hiyawan para po maibsan at maiwasan natin yung mga pikunan dahil maaaring magbunsod ng hindi natin kanais-nais na insidente,”  ayon kay Supt. James Afalla, hepe ng Manila Police District (MPD) station 4.

Bukod sa mga itinalagang tauhan ng MPD ay katuwang din sa pag-iikot ang hanay ng MMDA at Traffic Police .

Ayon kay Afalla, layon ng pagpapaigting ng seguridad na maiwasang maulit ang naganap na karahasan may dalawang taon na ang nakakaraan nang isagawa ang bar examinations sa De la Salle University kung saan marami ang nasugatan at may naputulan pa ng paa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply