Palpak na foreign contractor

MUKHANG sa halip na tuwid na daan ay dapat munang pagtuunan ng pansin ng rehimeng Aquino ang matibay na mga tulay na ipinagagawa nito sa ilalim ng pamamahala ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ni Sec. Babes Singson.

Umaangal na kasi ang Commission on Audit (COA) sa mga kapalpakang ginagawa ng  foreign-based contractor na Bal-four Cleveland na kilala rin bilang  Balfour Beatty-Cleveland,  Bal-four Cleveland Consortium, Cleveland Balfour, at Cleveland Bridge UK Limited, na isang British company.

Pero kahit British pa ay dapat sigurong sipain na kaagad iyan dahil wala namang matinong ginawa sa ating bansa ang kompanyang iyan.

Bakit kamo?

Ayon kasi sa COA, dahil sa pagkaantala ng mga proyektong pinasok ng Balfour sa ilalim ng Special Bridges Project (SBP) mula noong 2001 hanggang 2007, nalugi ang pamahalaan ng tumataginting na P10 bilyon!

Ang naturang halaga ay ku-makatawan sa hindi maiwasang pagtaas ng interes at service fee bunsod ng pagkaantala ng mga proyekto na ang tanging may kagagawan ay ang kompanyang Balfour.

Isang halimbawa rito ang isang proyektong nagkakahalaga lamang sana ng P2.4 bilyon subalit dahil sa kapalpakan ng Balfour,  lumobo  ang halaga nito sa P5.431 bilyon.

Paano ba namang hindi maaantala ang mga proyekto ng Balfour, eh, lumalabas na mali-mali ang mga disenyo at proseso na isinasakatuparan nito?

Isang halimbawa na rito ang  pagbagsak ng Pasil Bridge na ginawa ng Balfour sa Kalinga Apayao noong 2004.

Sa kabila nito, hindi pinanagot ng DPWH ang Balfour at hindi rin na-blacklist na karaniwang ginagawa sa mga palpak na kontratista.

Pero bagyo ang lakas nito sa DPWH dahil patuloy pa rin itong nakakukuha ng mga kontrata sa kasalukuyang pamahalaan.

May nagbulong sa atin na halos nasolo ng Balfour ang kontrata upang mapaayos ang may 133 na tulay sa halagang P8.4 bilyon sa ilalim ng National Roads Bridge Replacement Project (NRBRP).

Mali naman yatang pagkati-walaan pa ang Balfour sa kabila ng mga kapalpakang ginawa nito.

Sa totoo lang mas tama na i-blacklist ang kompanya kaysa sa payagan pa itong makakuha ulit ng kontrata.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply