Palpak na underpass at palusot kay Biazon

BIGYAN naman po natin sa araw na ito ng pagkakataon na mailabas ng ating mga mambabasa ang kanilang mga kaalaman, hinaing, reklamo at iba pa.

PINALUSOT KAY BIAZON

May 3×40 sa Port of MICP, alerted ng grupo ni Ruffy Biazon. Pero ito ay naka-exit kahit may alert pa. Ang chismis, mga customs police ang kasabwat ng Intsik. Sina Rey Labrador at Cap Mariano Biteng ang nagmaniobra para makalabas ‘yung 3 container na alerted nu’ng isang linggo. DANY. 0927557….

DROGA SA BINANGONAN

Mr. Antiporda, pakibigyan-pansin naman dito sa Pila-Pila, Binangonan, Rizal lalo na ang kaguluhan ng mga grupo ng mga fraternity  ng mga kabataan. Mga lasing sa droga at sa disoras pa ng gabi nambubulahaw, partikular na po rito sa Sitio Pugad Kaligayahan, Pila-Pila, Binangònan. Wala kaming barangay chairman dito, matagal na. Ang hepe ng tanod at kagawad ay walang reaksyon. Iboboto pa ba ninyo uli ang mga taong ito? Mga natutulog sa pansitan ang mga inutil na ito, magagaling lang sa porma. Gising na mga botante. 0905732….

KOTONG SA ICC

Sir Benny, puna ko lang po sa DTI at LTO sa ICC ng helmet. Pagmumulan lang ng kotong ng mga buayang LTO yan at kalokohan lang yang icc n yan. Kasi meron naman silang binigyan ng icc pero peke naman. Index helmet ‘yun, sir, hindi kagaya original na Index na matibay. 0923332….

MISTERYO KAY GMA

Sir Benny, puna ko lang po. Bakit kung kailan aarestuhin o bago pa lumabas ang warrant of arrest ni CGMA, tila alam na at nagkakasakit na kaya paglabas ng mandamiento de aresto nasa ospital na at bakit walang magawa ang mga umaaresto? Sa ordinaryong tao na may kaso at warrant of arrest, puwede ba siyang makaiwas lang sa aresto? O baka naman dapat parangalan na ng best actress si CGMA ng Samahan ng mga Sinungaling at Maiitim ang Buto Guild?  0932262….

WALANG TAMANG PASAHOD

Good pm po. May tanong lang po ako. Kasi, ‘yung kapatid ko po ay nagtrabaho bilang kasambhay. Ngayon po, umalis na siya kasi hindi buo ang ibinibigay na sahod niya. Tapos po, P2,500 ang sahod niya pero pag-alis niya P500 lang ang ibinigay sa kanya. May karapatan ba ako na makuha iyon? Salamat po. Ang name ng amo ng kapatid ko ay Cathy Sabandal. 0933308….

BENTANG SIRANG CELLPHONE

Magandang hapon po sa inyo, Kuya Benny Antiporda. Isa po ako sa tagatangkilik ng Ultimatum. Taga-Blumentritt po ako na sakop ng Sta. Cruz Maynila. Irereklamo ko lang po ‘yung mga nagtitinda sa bangketa ng mga cellphone dito sa palengke ng Blumentritt.
Sana aksyonan ng mga pulis ito. Sapagkat sira po ang kanilang ibinebenta na cellphone. Isa ako sa naging biktima nila at ayaw na nilang palitan sapagkat ang katwiran nila binili ko na raw. Wala raw silang ipapalit samantalang bago ko bilhin ‘yun, nagkaroo kami ng kasunduan. Mahirap talagang makipagtalo sa mga hindi nakapag-aral. Mamang pulis, pakiaksyonan nyo po ito dito sa Palengke ng Blumentrit na  malapit sa presinto ninyo. Salamat po, Kuya Benny.  Gerald Gatmaitan, ng Blumentritt, Manila. 0930181….

PALPAK NA UNDERPASS

Kapalpakan na naman ang ibinida ni PNOY na bagong bukas na Underpass sa Quezon City. Bagong gawa, tatlong linggo lang na nagamit, may sira na agad. Kitang- kita nga ang ebidensya, magpapalusot pa ang DPWH.  Ganyan talaga ang trabaho ng DPWH, may halong korapsyon. Akoy former inspector ng Highways at nakita ko ang trabaho ng DPWH. Ito ang isang korap na ahensiya ng gobyerno. Mula sa Program of Work hanggang sa Implementasyon. Ang siento porsiyento na proyekto ng Highways ay 60% lang ang nai-implement. Ibig sabihin, sa one million worth of project, P.6 million lang lang ang implemented. At pagpunta pa sa Implementor o contractor, nandiyan pa ang undersized na materials. Sabwatan lang yan ng mga opisyal ng DPWH at Contractor/s. Engr. Rolly Castanieda ng Norhern Luzon. 0920823….

PIGGERY SA KABAHAYAN

Good am po, sir. Dito po sa Pulung Cacutud, Angeles City, may nag-aalga ng baboy rito. Parang piggery na katabi ng mga bahay, mahigit na 50 baboy ang alaga. ‘Yung tae ng baboy, pinaraan sa sapa. May mga bahay naman na malapit sa sapa. Ang baho, sir, lalo na pag umuulan. Tapos nu’ng minsan, may namatay na biik. Itinapon lang sa sapa. Ronie angpangalan ng may-ari. Mayroon siyang bakery at carinderia.  Ngayon ay nangangamoy ang tae sa sapa. Wala namang ginagawa ang kapitan, lalo na ‘yung mga videoke bar dito. Sir napakaraming babaeng bayaran,  sir. ‘Wag po ipakita ang # ko. Salamat, sir.
0929299….

NAGHAHANAP NG KAPATID

Good pm, sir. Puwede po ba na pakipanawagan si Thereseta Rosendo. Kasi  30 years nang hindi nakikita ng  ina. Taga-Pangasinan po ako. Gusto ko po siyang makita. Si Virgelio Camacho po ako.  Salamat po. 0947185….

KAKOSA NG MGA KRIMINAL

Good day po, sir! Tama lang naman po na ma-disqualify ang partylist ni Mikey Arroyo para kumatawan sa mga security guard. E wala naman ‘yan alam sa mga guwardiya.  Ginagawa lang nilang uto-uto ang mga tao. Dapat na ikulong si CGMA kasi nagdadahilan lang yan na may sakit. Nakunan ng video na walng brace ang leeg si CGMA. Dapat itapon na yan sa kulungan. Bacea, ng Albay. 0906589….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply