Pamahalaan nakaalerto sa pagbagsak ng debris sa Visayas at Mindanao

NILINAW ng National Risk Reduction and Management Council (NDRMMC) na South Korea at hindi North ang magpapatupad ng rocket launch sa October 26.

Ayon kay NDRRMC Exec. Dir. Benito Ramos, dalawang falling area ang babantayan ng pamahalaan na ide-deklara nila ang no fly zone at no fishing policy rito.

Ayon kay Ramos, babagsak ang unang stage ng debris sa Pacific Ocean katapat ng Central Visayas na tinatayang may 800 nautical miles at ang pangalawang stage ay sa Eastern Mindanao.

Kaninang alas nuwebe ngayong araw, October 9, 2012, isang conference ang ginanap sa tanggapan ng NDRMMC kasama ang Depoartment of Health (DoH) Philippine Nuclear Research Institute, BFAD, DILG, Marina, AFP at Coast Guard, upang pag-usapan ang gagawing preparasyon ng pamahalaan  kugnay sa magaganap na pagbagsak ng debris.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply