Pamamangka sa dalawang ilog, itinanggi ni Legarda

IPINAHAYAG ngayon ni Senator Loren Legarda na hindi umano dapat bigyan ng malaki isyu ang pagiging common candidate siya ng United Nationalist Alliance at ng administration coalition.

Ang pahayag ni Legarda ay kaugnay sa mga batikos ng ilang kritiko na namamangka sila ni Senador Chiz Escudero sa dalawang ilog dahil parehong kabilang sa ticket ng magkahiwalay na koalisyon.

Ayon kay Legarda, isang blessing kung i-endorso siya ng maraming partidong politikal kaya hindi niya ito tinanggihan.

Normal din umano ito sa politika sa bansa na isang multi-party system at katunayan, aniya, ay may iba pang endorsement sa ibang partido na maghahayag ng kanilang suporta sa kanyang kandidatura sa mga susunod na linggo.

Inamin din ni Legarda na mayroong ilang mga senatoriables na hiniling na i-endorso sila nito at handa naman niya ang mga itong tulungan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply