Pamilya ng OFWs kinalma ng DFA sa pagsabog sa Lebanon

KINALMA ng ng Philippine Consulate sa Lebanon ang pamilya ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na walang Pinoy na nadamay sa naganap na car bomb explosion sa Beirut bagama’t nasa 500 metro lamang ang layo ng lugar na pinagsabugan mula sa Philippine Embassy.

Target ng pambobomba ang ilang intelligence officials na nasa likod ng pagsisiwalat ng mga planong pambobomba na humantong sa pagka-aresto ng pro-Syrian Lebanese politician.

Sa nasabing insidente, walo ang naitalang patay habang nasa 80 iba pa ang nasugatan.

Ayon naman sa Department of Foreign Affairs (DFA), wala namang naiulat sa kanila na sugatan o patay na Pinoy matapos sumabog ang isang car bomb sa dining at shopping area na Sassine Square sa Ashrafiyeh, Beirut.

Kabilang sa mga namatay si Police Intelligence Chief Wissam Al-Hassan, na sinasabing target ng pambobomba.

Hindi pa rin matukoy kung sino ang may pakana ng pambobomba at ang motibo sa likod nito.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply