Pamunuan ng BFP maghihigpit

BILANG pangunahing ahensya ng gobyerno sa pagpuksa ng mga sunog at sa pagtupad ng mga emergency response, mas hihigpitan ngayon ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pamamalakad dito upang mapahusay pa ang serbisyo sa publiko.

Inatasan BFP Officer-in-Charge Chief Superintendent Ruben F. Bearis, Jr., ang kanyang mga directorate, mga namumuno sa bawat Division at Section na magsagawa ng mga workshops matapos ang idinaos na kapulungan sa pagitan ng lahat ng opisyal ng BFP, PNP kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas sa tanggapan sa Quezon City.

Matapos ang pulong sa pagitan ng BFP at DILG magpapatupad ngayon ng panibagong sistema sa kanilang operasyon ang ahensya gamit ang kanilang website sa computers.

Magiging ‘centralized na aniya ang pag-uulat ng lahat ng fire stations sa mataas na pamunnuan ng BFP upang sa gayon ay  maging updated ito at tama ang mga nakukuhang impormasyon sa mga nangyayaring operasyon at pagresponde sa mga sunog, emergency-medical service, kalagayan ng mga tauhan at mga kagamitan sa pamatay sunog maging mga istasyon.

Dahil dito magging mahigpit ngayon ang BFP sa gagawin nilang pagbabago at sinabi ni Bearis na hindi siya mag-aatubiling irekomenda sa mataas na pamunuan ng BFP na palitan at sibakin ang mga tutulog-tulog at hindi nagtatrabaho ng maayos sa ahensya.

Asahan aniya na magkakaroon pa ng maraming pagbabago sa BFP matapos ang pakikipagpulong kay Sec. Roxas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply