Panadero pinagbabaril, tigok

TODAS ang isang panadero matapos itong pagbabrilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang nagsasalansan ng mga plastic waste material sa loob ng abandunadong bowling lane kagabi, Oct. 9, sa Mac-Arthur highway Potrero, Malabon City.

Dead on spot sa pinangyarihan si Edward Lucas y Into, 29, panadero ng Baker’s Fair Greenhills  San Juan Manila,  at residente  ng Sitio 6, Brgy. Catmon ng syudad sanhi ng mga tinamong tama ng  di pa batid na kalibre ng baril sa likod at sa dibdib.

Mabilis namang tumakas ang nag-iisang salarin sakay ng kulay itim na Honda jazz motor na hindi na plakahan patungong Valenzuela City dala ang ginamit na baril.

Ayon sa ulat, dakong alas 8:45 ng gabi ng maganap ang krimen sa loob ng Rizal Bowling lane sa nasabing barangay.

Nabatid kay Sr. Insp. Gregorio Catacutan, hepe ng Station Investigation Division (SID) ng Malabon police, nagsasalansan (segregate) ang biktima ng mga plastic ng biglang dumating ang suspek sakay isang motor .

Ngunit lingid sa kalaman ni Michael siya ang target ng salarin habang nakatalikod at abala sa kanyang gawain bigla na lamang itong pinagbabaril ng malapitan ng suspek.

Nakarekober ang mga tauhan ng Scene of Crimes Operatives (SOCO) ng tatlong empty shell ng baril na ginamit sa krimen.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa insidente, habang isang manhunt operation naman ang inilatag ng pulisya laban sa suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply