Panalo ng NPC vs GSIS sinelyuhan ng SC

PINAL nang dinesisyunan ng Supreme Court na pag-aari ng National Press Club at hindi ng Government Service Insurance Service ang kontrobersyal na mural na ibinenta ng una.

Sa desisyon ng SC na may petsang Agosto 6, 2012 at natanggap ng NPC kahapon lamang, iniutos ng Hukuman ang pagkakaroon ng entry of judgment sa kaso para maselyuhan na ito.

Sinabi ng SC na wala nang dahilan pa upang baligtarin ang desisyon  na nagpapawalang-sala sa mga akusado.

Matatandaang kinasuhan ng GSIS ang mga opisyal ng NPC na sina dating NPC president Roy Mabasa, vice-president Benny Antiporda, secretary Louie Logarta, treasurer Amor Virata, auditor Rolando Cobarrubias Jr., and directors Jerry Yap, Joey Venancio, Joel Egco, William Depasupil, Dennis Fetalino, Ding Generoso, Sammy Julian, Alvin Feliciano at Rolando Gonzalo ng pagnanakaw makaraang ibenta ang mural sa halagang P10 milyon.

Sinabi ng GSIS na pag-aari nila ang lupa at gusali ng NPC makaraang mailit ito sa hindi pagbabayad ng utang sa nasabing ahensya.

Ikinatwiran naman ng NPC na nabayaran na ang utang sa tulong ng Letter of Instruction No. 500 na inisyu noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa pamamagitan LOI NO. 500, hinati ang lupa ng NPC at ito ang ibinayad sa pinagkautangan nito kaya naibalik na ang pag-aari ng NPC sa NPC Building at lupang kinatitirikan nito.

Kaya naman buo ang pag-aari ng NPC sa mural at may kapangyarihan itong gawin ang nais gawin gaya ng pagbebenta.

At kahit pa pag-aari pa rin ng GSIS ang lupa, pag-aari pa rin ng NPC ang mural lalo isa itong “movable property” na hindi nakasira sa lupa nang alisin at ibenta.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply