Pananakit sa ka-live-in pinabulaanan ni Matt Evans

PINABULAANAN ng kampo ng Kapamilya actor na si Matt Evans ang alegasyong binugbog niya ang bagong panganak na live-in partner na si Johnelline Hickins.

Sa ulat sa radyo, kumpiyansa ang kampo ng Pedro Penduko star na malilinis ang pangalan ng aktor.

Ayon din sa legal counsel ni Matt na si Atty. Gerly Rico, ang aktor pa umano ang nasaktan at tinutukan ng kutsilyo.

Nakatakdang maglagak ng piyansa ang kampo ng aktor ngayong araw.

Hinihintay rin ng kampo ng aktor na gumulong ang kaso para mapatunayan na kasinungalingan ang inihaing reklamo ng kanyang ka-live-in.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply