Pandarahas sa 6 na lider maralita, kinondena

NAGTIPON-tipon ang mga residente ng Sitio San Roque sa North Triangle upang kondenahin ang iba’t ibang porma ng pandarahas sa kanilang mga lider nitong mga nakaraang araw.

Kasabay nito, muling nagpakita ng pagkakaisa ang mga residente para labanan ang anumang banta ng sapilitang pagpapalayas sa mga residente sa kanilang komunidad.

Noong Biyernes anila ay naglabas ng warrant of arrest ang Branch 42 ng QC Metropolitan Trial Court sa kasong illegal assembly at malicious mischief para sa anim na lider at mga kasapi mula sa North at East Triangle.

Ayon pa sa kwento ng mga lider, 6 na nagpakilalang mga armado at nakasibilyang kalalakihan ang nagtangkang hulihin noong Biyernes ang isa sa mga lider ng Sitio San Roque na si Jocy Lopez, Chairman ng Kadamay North Triangle. Ngunit binigo ng mga residente na makuha si Lopez.

Anila Estrelieta Bagasbas, chair ng lokal na alysansa ng mga residente sa North Triangle na September 23 Movement, ang mga pandarahas ay bahagi ng taktika ng gobyerno para pilayan ang paglaban ng mga residente laban sa nakaambang demolisyon.

Kahit na umano nakapagpiyansa na ang 6 nilang kasamahan matapos silang hulihin dahil sa pagrarally nila sa labas ng bahay sa Times St noong Mayo 11 at maikulong pa ng isang linggo, tanong ng mga residente, “Bakit naglabas pa ang korte ng mga warrant of arrest?”

Nanawagan si Bagasbas sa mga nasa awtoridad na itigil na ang pandarahas sa kanila, at ang nakaambang pagpapalayas sa mga residente patungong relokasyon sa Montalban.

Bahagi rin umano ang nagaganap na pagsikil sa kanilang karapatan ng Oplan Bayanihan, isang programa ng administrasyong Aquino para supilin ang mga hadlang sa mga proyektong pangkaunlaran ng gubyerno.

Palalayasin ang mga maralita sa North at East Triangle para itayo ang Quezon City Central Business District.

Utos ng Malacanang

Nakakuha rin ng datos ang mga lider na nagmula mismo sa Malacanang ang utos na sila ay patahimikin.

Ayon kay Bagasbas, hangga’t bulok ang programa ng pabahay na inaalok ng administrasyong Aquino sa mga residente, patuloy ang kanilang paglaban sa nakaambang demolisyon ng kanilang tirahan. Sa mga nabahaang unit sa Montalban inaasahang ilikas ang mga maralita ng North Triangle.

Nabalitang ipinahinto ni Roxas noong Lunes sang demolisyon sa Sitio San Roque ngunit ayon sa mga residente, wala silang papel na pinanghahawakan na hindi na sila muling palalayasin sa kanilang komunidad.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply