Pangalan ng kandidatong naghain ng CoCs, ilalabas sa Okt. 10

ILALABAS ng Commission on Elections (Comelec) sa Oktubre 10, Miyerkules ang listahan ng mga pangalan ng mga kandidatong naghain ng kanilang Certificates of Candidacy (COCs) para sa 2013 midterm polls.

Ito ang tiniyak ni Comelec Spokesman James Jimenez kasunod nang matagumpay na limang araw na COC filing na isinagawa noong nakaraang linggo.

Nabatid na alinsunod sa Comelec Resolution No. 9518, na naglalatag ng mga guidelines sa paghahain ng COCs, dapat na kaagad na ihanda ang report hinggil sa COCs na natanggap ng lahat ng Comelec sa bansa matapos ang huling araw ng filing ng kandidatura.

Sinabi ni Jimenez na ang Comelec Law Department ang maghahanda ng Certified List of Candidates para sa Senatorial positions.

Para naman sa National Capital Region (NCR), ang Regional Election Director ang magpe-prepara ng listahan ng mga kandidato ng mga miyembro ng House of Representatives habang ang mga kandidato para sa City Municipal positions ay ihahanda naman ng City/Municipal Election Officer.

Sa labas naman ng NCR, ang listahan ng mga kandidato para sa Members of the House of Representatives, Provincial, City at Municipal positions ay igagayak ng Provincial Election Supervisor.

Samantala, ang listahan ng mga kandidato para sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor, Vice-Governor at Members of the Regional Legislative Assembly ay ipe-prepara ng Comelec ARMM Regional Election Director.

Sinabi ni Jimenez na ang Certified List of Candidates, kasama ang CDs at mga kopya ng mga COCs at Certificates of Nomination at Acceptance ng mga ito ay ide-deliver at idi-distribute sa Law Department ng Comelec; gayundin sa Election Records and Statistics Department; Education and Information Department at sa Clerk of the Commission nang hindi lalampas sa Oktubre 10, 2012, Miyerkules.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply