Panganganak sa hilot, bawal sa QC

UPANG mai-promote ang maternal health care at safe motherhood, ipinagbabawal na sa Quezon City ang home-based birth deliveries, lalo na ang tradisyunal na “hilot”, na karaniwang ikinakasa ng mga kumadrona.

Ito ay makaraang pirmahan na ni QC Mayor Herbert Bautista para maging isang batas ang Ordinance 2171, na nagmamandato sa mga traditional birth attendants na sabihan ang kanilang kliyente na magpaanak lamang sa mga licensed medical facilities upang maprotektahan ang mga nanay at ang isisilang nitong sanggol laban sa kumplikasyon na maaring maganap sa panganganak.

Para naman hindi madehado, maglaalan ang city health department ng livelihood training programs para tulungan ang mga kumadrona na magkaroon ng alternatibong pamamaraan para kumita. Ilan sa inaalok ay ang training programs para sa pre-natal at post natal massage classes.

Ayon kay city health officer Dr. Antonieta Inumerable, may 168 traditional birth attendants o “hilot” na nagooperasyon sa lunsod.  Sa kabuuan ng bilang, may 152 “hilot” ang nag-ooperasyon sa District II, na binubuo ng malaking bilang ay nagmula sa mahihirap na residente.

Tulad ng “hilot,” pinagbabawal din ang mga professional health practitioners, tulad ng physicians, nurses at midwives sa lunsod na magpraktis ng home-based child birth services pero sakabila nito ay pinapayagan na magpaanak sa mga lehitimong health facilities.

Papatawan naman ng city government ng kaukulang multa na halagang P5,000 ang sinoman na lalabag sa probisyon ng naturang ordinansa na ang principal author ay si Councilor Jessica Castelo Daza, na isang doktor ang propesyon.

Nakasaad sa city’s poverty profile, may 1.8% na babae sa QC ang namamatay bawat taon dahil sa panganganak at iba pang pregnancy related causes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply