Pangil ng Tigers laban sa kuko ng Eagles

UMPISA na ngayong alas kuwatro hapon ang Finals showdown ng four-time defending champion Ateneo Blue Eagles at University of Sto. Tomas Growling Tigers sa 75th UAAP men’s basketball tournament sa MOA Arena.

Paniguradong bagong hasa ang pangil ng Growling Tigers at Kuko ng Eagles para paghandaan ang Game 1 ng kanilang best-of-three championship.

Uhaw sa titulo ang UST habang paghihiganti naman ang pakay ng Ateneo.

Anim na taon ng nakararaan ng makuha ng Tigers ang kampeonato matapos nilang talunin ang Eagles kung saan ay si Norman Black na ang coach ng Ateneo.

Taong 2006 unang hinawaka ni Pido Jarencio ang UST at napag kampeon niya agad ito.

Bago pa lang mag-umpisa ang liga apat na buwan ng nakalilipas alam ni dating PBA best import Black na ang UST ang isa sa mga hahadlang sa pagsungkit ng panglimang sunod na titulo.

Naging basehan ni Black ay ang pagbabalik ng mga beteranong sina Clark Bautista at Aljon Mariano.

Sasandalan ng Eagles ang higante nilang si 7 footer Greg Slaughter habang ipangtatapat ng Tigers dito ang Cameroonian center na si 6-foot-7 Karim Abdul.

Samantala, pinaghatian ng dalawang koponan ang dalawa nilang paghaharap sa elimination round kung saan ay nakauna ang Tigers, 71-70, bago bumawi ang Eagles, 68-66.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply