Pangungulubot ng balat epekto ng paninigarilyo

Ayon kay Emer Rojas, President ng New VOIS association, ang pananaw ng iba, kapag ang isang babaeng naninigarilyo, siya ay mas magandang at sosyal tingnan.

Sa mga pag-aaral, sinasabing may direktang kaugnayan ang paninigarilyo o paglanghap ng usok ng sigarilyo sa pagdami ng kanser sa suso.

Ang mga epekto ng paninigarilyo na naidudulot sa mga lalaki at lalo na sa babae kung ayaw nila magmukhang matanda, pagkawala ng pandinig at pumapangit ang kanilang itsura.

• Ang paninigarilyo ay maagang nakapagpapakulubot at nakapagpapatanda ng balat dahil sa pagkawala ng protina na nakapagbibigay ng pagkakabanat nito. Kakulangan naman ng Vitamin A na nakapagpapahina sa daloy ng dugo. Ang balat ng mga naninigarilyo ay tuyo, naninigas, ukit-ukit na may maliliit na guhit, lalung-lalo na sa paligid ng labi at mata.

• Napapaaga ng dating ng menopause.

• Nagdudulot ng mabahong hininga, paninilaw at maagang pagkawala ng ngipin at maging ang pagkawala ng abilidad ng bibig na gumawa ng laway na makakabuti sa kalusugan ng ngipin at gilagid.

• Iniuugnay sa pagkaroon ng katarata at iba pang mga sakit sa mata, paghina ng pandinig, mga sakit sa buto tulad ng osteoporosis, kirot sa likod at leeg, maging kanser sa suso.

• Pinapalala at pinapadalas ang mga sakit na ubo at sipon, trangkaso, pulmunya at tuberculosis.

• Iniuugnay sa mga problema sa pagbubuntis at panganganak.

• Nagdudulot ng mataas na pagkakataon na malaglag ang bata sa sinapupunan o kaya’y ipanganak ang sanggol na kulang sa buwan, kulang sa laki at bigat o kaya’y mahina o may sakit.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply