Panig ng PDEA sa Alvarez case at sugal talamak sa R-8

KAYA inakala pala ng ilang kapitbahay ni Paul Alvarez na hinuli ito ng PDEA dahil naka-complete uniform ang agents nang sinundo ito sa kanilang tahanan.

Napagtanto nating balido ang paliwanag ng PDEA na hindi nga naman nila pwedeng sunduin si Alvarez para madala sa rehabilitation center kung hindi uniformed ang PDEA agents.

Baka mapagkamalan pa na ito ay isang illegitimate PDEA operation.

Ang simula, isang kapamilya ni Alvarez ang nakiu-sap sa Dangerous Drugs Board kung paanong maipa-sok si Alvarez sa rehab pero nagmakaawa ito na huwag  nang malaman ni Alvarez kung sino ang may kagagawan nang pagpaparehab sa kanya “for obvious reason.”

Kawawa naman itong kapamilya ni Mr. Excitement, tsk, tsk, tsk. Magbago ka na kasi!

At least, sa mga ganitong isyu ay nakikita natin, parekoy, ang pagnanais ng PDEA na maging katuwang sa sinu-mang “adik” na dapat tumino.

Pero ang ayaw, lalo na ang mga demonyong nagbebenta ng iligal na droga na ikinawawasak ng mga kabataan… lipulin silaaaaaa!!!

-o0o-

AKALA yata ng ilang PNP officer sa Regional Office ay nanghuhula lang tayo ng mga pangalan ng gambling lords sa Region 8. Nagkakamali kayo!

Ito po, Gen. Elmer Soria, ipasuri mo ang mga detalyeng ito. Si Bernie Tacoy na kadikit at kilalang isa sa mga financer nina Kananga Mayor Eming Codilla at Ormoc City Mayor Biboy Codilla ang ating unahin.

Nakalalamang ang iligal na “swertres bookies” ni Tacoy sa Ormoc City at Kananga.

Ang iba pang lugar sa Leyte na laganap ang kanyang iligal na “swertres bookies” ay sa Barugo at Albuera.

Sa ngayon ay pumoporma si Tacoy na maka-penet-rate sa Merida at Palompon ngunit matindi ang depensa nina Noli Go, Mario Planco, Atoy Daysam at Mayor Ramon Oñate.

Kaya natin isisiwalat araw-araw ang buong lis-tahan para matulungan si RD Elmer Soria kung paano tuntunin itong mga “gambling lord” sa Region 8.

Just in case, parekoy, na hindi “patong” si General Soria!

-o0o-

REACTION / SUMBONG
09152121303/09098992775
jabriones10@yahoo.com

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply