Paniningil ng donasyon ngayong Undas, ipinagbawal ng Simbahan

BAWAL ang paniningil nang anumang donasyon ng mga pari sa pagbibigay ng kanilang mga serbisyo ngayong Undas.

Ito ang paalala ng Simbahang katolika sa mga pari na magbabasbas sa mga puntod sa mga sementeryo ngayong darating na Araw ng mga patay at Kaluluwa.

Bukod dito, ipinagbabawal din ang special blessings sa mga puntod ng kaibigan ng mga pari.

Ang sinumang pari na mapapatunayang lumabag sa kautusan ng simbahan ay may kaukulang parusa na kahaharapin.

Pinaalalahanan din ng Simbahan ang publiko na tiyaking isang totoong pari ang magbabasbas sa puntod sa kanilang mahal sa buhay at hindi mga impostor upang maiwasan ang di inaasahang problema at paniningil sa kanilang serbisyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply