Panis ang Artista Search talents ng TV5 sa Protege survivors ng GMA!

MAGKAIBANG araw naming nakita sa Burger King Timog ang mga naiwan sa Protégé: The Battle For The Big Artista Break ng GMA 7 at mga finalists sa artista search ng TV5.

Naobserbahan namin ang pagkakaiba nila.

Ang mga Protege ay may star factor  na makikita, may pormang Daniel Padilla gaya ni Ruru Madrid, may hunk pero kulang sa talent na si Jeric Gonzales pero posibleng mag-improve. Nanriyan rin si Mikoy Morales na super talen -ted, magaling kumanta pero dapat lang i-improve ang porma at pananamit.

Sa mga girls, marami ang pang-leading lady balang araw pero ‘yung mga naiwan sa artista seach ng TV5, ‘yung isa matangkad pero mukhang kargador. Hindi ko talaga maramdaman na mukha siyang artista kahit paborito pa siya sa naturang artista search. ‘Yung dalawa naman na lalaki ay parang ordinaryo lang sa amin. Ang mga hitsura ay parang nagkalat lang sa Subic o sa Clark. May guwapo nga wala naming talent‘.

Sa mga girls lang may effect pero ‘yung isang finalist na girl na parang kamukha lang ng staff ng kanilang show na karay-karay at kasama. Medyo hindi pa maganda ang porma. Kahit nasa labas na sila ng BK ay parang hin- di mo sila lilingunin at mararamdaman na artistahin. Hay naku!

Feeling ko mas sisikat at magkakaroon ng pangalan ang mga naiwan sa Protégé kumpara sa artista search ng 5.

Sa totoo lang! (Ang taray! Nice! Hahahahahahaha! – Ed)

-0o0-

BUONG ningning na inamin ni John Rendez na matagal na silang hiwalay ng wife niya at wala nang chance na magkabalikan sila. Ito ‘yung ina ng baby niya.

“Masaya na siya sa buhay niya ngayon. At saka hindi kami talaga compatible sa isa’t isa. Huwag mong pilitin,” deklara ni John.

Pinagtuunan na lang niya ng pansin ang bago niyang rap album entitled Metal Dog (dahil born year of the dog si John noong January 6, 1971). Ang carrier single ng kanyang album ay There Can Only be One’.
Release ito ng PolyEast Records kung saan napaloloob rin ang mga kantang kinumpose niya at paborito sa album gaya ng No More Musik by the Suckers, Ratt9MM, Kembotan, at Metal Dog.

“This is my music,” aniya. It’s my statement with the world. This is me. This is where I get  my luck. This is the quality of my character,” banggit pa niya.

Ano naman ang inaasahan niya sa bago niyang album?

Kung ano raw ang gusto ng tao na magandang mapakinggan. Hindi sa nagyayabang siya pero maipagmamalaki niya ang kanyang album dahil maganda ito.

Malaking factor ba ang superstar na si Nora Aunor na maging inspirasyon niya na matapos ito?
Well, Ate Guy is always there. Minsan nga hindi ako nakapagsusulat ng kanta pag nandiyan siya, e! Hindi rin ka -mi compatible as friends kasi dog ako at dragon siya sa Chinese Astrology. Magka-contrast kami, magka-away kami,” sey ni John.

Paano sila nag-click? ‘Hindi ko nga alam, e,” sabay tawa niya.

Naka-mindset na lang daw sa kanya na iba si Ate Guy. Kailangan niyang respetuhin.

Mistulang guardian rin ni Ate Guy si John Rendez at tagapagtanggol niya.

“Kung ano ang trabaho ng aso-German Shepherd o pitbull, I’m just there to watch over her and make her laugh,” deklara niya.

Minsan nami-misenterpret siya sa pagtatanggol kay Ate Guy, ano ang nararamdaman niya?

“Minsan kasi ang dating ko…ako rin kasi ang may kasalanan nun, e! Minsan mainitin ang ulo ko pero I’m a good person overall. I’m not a bad person but I have a bad temper. Mainitin ang ulo ko lalo na pag frustrated but I have a good heart,” deklara  pa niya.

Guests nga pala si John sa fund raising show ng PMPC sa Nov. 24 sa Zirkoh, Morato na kung saan ay kasama sina Jake Cuenca, Jake Vargas, Bea Binene, Le Chazz, AJ Tamisa at isang napakalaking aktres bilang surprise guest.

Korek!

-0o0-

SA presscon ni Dingdong Dantes sa Belo Medical ay hindi rin nakaligtas si Crystalle Henares kung sino para sa kanya ang three most beautiful local female celebrities.

“Hmmm, first is si Ruffa Gutierrez. Kasi even if she has two kids already, iba pa rin talaga ‘yung appeal ni- ya, kahit sa older men or younger men.

“Si Margie Moran, classic ang beauty niya, and she really ages gracefully. Classic beauty talaga. “Is pa ay si Isabelle Daza, I really find her beautiful,” aniya.

Nanguna naman si Derek Ramsay sa listahan niya sa mga pang-Belo ang dating.

“Lalaking-lalaki ang hitsura, niya, and a lot of people find him really attractive, and napaka-maalaga niya, he’s a real gentleman. Pag kausap mo siya, you can really sense na he’s a caring person.

“Then si Fernando Zobel, he’s my crush!

“Si  Albert Martinez. He looks very young and parang laging fresh na fresh.”

Si Marian Rivera naman ang artistang hindi pa nila endorser na gusto niyang makuha.
Ano naman ang maipapayo niya sa mom niya – kay Dra. Vicki Belo, na may mga unos ring pinagdaanan pagdating sa personal na buhay?

“Don’t mix business with pleasure,” sey niya sabay tawa.

“Minsan kasi may tendency siya na ganoon. Nakikinig naman siya minsan, sometimes hindi,” hirit pa ni Crystalle.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply