Panukalang premature campaigning, hihimayin

KAILANGAN munang himaying mabuti ang inihaing panukalang batas ni Senador Miriam Defensor Santiago na pangontra sa premature campaigning.

Ang katuwiran ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte ay iba kasi ang kahulugan ng premature campaigning sa kasalukuyang Omnibus Election Code.

“Depende po doon sa mga magiging parameters. Pero iba kasi ‘yung depinisyon ng premature campaigning na nasa ilalim nung Omnibus Election Code. So tingnan po natin, at siguro po dapat na lang makita at pag-aralan ‘yung naihain na panukalang batas ni Senadora Santiago,” ayon kay Usec. Valte.

Sa ulat, noong nakaraang buwan ay nagpahayag ang senadora na hangad niyang maghain ng batas na pipigil sa premature campaigning, o electioneering na isinasagawa ng isang indibiduwal bago pa ang opisyal na campaign period.

Maikukunsidera lamang na isang kandidato ang isang naghain ng kanyang CoC sa oras na magsimula na ang election campaign sa Pebrero 12, 2013.

Partikular na tinukoy ni Senador Santiago ang mga senatorial bets na nagsimula ng lumutang ang mga campaign advertising TV, radio, at print.

Sinabi ni Senador Santiago na layunin ng kanyang ipinasang batas ay amiyendahan ang Election Code sa pamamagitan ng pag-alis sa Section 13  na nagsasaad ng “that any person who files his certificate of candidacy shall only be considered as a candidate at the start of the campaign period for which he filed his certificate of candidacy.”

Nakakatawa, aniyang, mapanood sa tv, marinig sa radio at makita sa mga pahayagan ang isang indibiduwal na naghain ng kanyang CoC na pilit na nagpapahayag ng kanyang saloobin sa isang usapin.

“These early campaigners are not violating the law, but it appears that they are violating the sensibilities of Filipino voters, and creating a backlash of condemnationThis is preposterous, ridiculous, and ludicrous!” ayon sa senadora.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply