Parak inagawan ng baril, mag-utol kalaboso

KULONG ang magkapatid matapos awayin at agawin ang baril ng nakatalong pulis sa Valenzuela City, Sabado ng umaga.

Nahaharap sa kasong direct assault sina John, 37 at Jimmy Emperador, 42 ng Que Grande St., Ugong ng lungsod.

Sa pahayag ni PO2 Juanito Sipagan, nasa hustong gulang ng Valenzuela Police, dakong alas-7:15 ng umaga, ipinarada niya ang kanyang motorsiklo sa Que Grande St., Ugong upang ipalinis bago pumasok sa trabaho.

Dumating si John dala ang taxi na magpapalinis din at pagparada ay nasagi ang motorsiklo ng pulis.

Sinita ng naka-unipormeng si Sipagan si John na biglang pumalag sabay sabing “kahit pulis ka kaya kitang patayin dito.”

Nagulat ang biktima nang biglang sumulpot si Jimmy at sabay hawak sa baril ng una na naging dahilan upang mag-agawan.

Nagawang makaigtad ng pulis nang mabitiwan ang baril at humingi ng tulong sa mga kabaro na naging dahilan upang madakip at madala sa presinto ang mag-utol habang naibalik sa pulis ang baril.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply