Parak sinuwag ng motorsiklo, sugatan

SUGAT at gasgas ang tinamo ng isang pulis na nagkakasa ng checkpoint matapos suwagin ng dalawang lalaking nakamotosiklo sa Roxas City kaninang madaling araw.

Kinilala ang biktima na si P01 Jay Villaflor, 24-anyos residente ng Isabela, Negros Occidental.

Nakakulong na sa Roxas City PNP at sasampahan ng kaukulang kaso ang drayber ng motorsiklo na si Mark Jonathan Refil, 20-anyos ng Tanza Gua, Roxas City at ang kaangkas nitong si Reymark Condrado ng Nagsulang, Dumarao, Capiz.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-12:45 ng madaling araw sa isang checkpoint sa Arnaldo Boulevard, Roxas City.

Bago ito, nagkakasa ng checkpoint ang pinagsamang puwersa ng Roxas City PNP at Capiz Police Provincial Office (CPPO) nang dumaan ang mga suspek. Pero nang makita ang mga kapulisan, lumihis ito ng direksyon at doon nabundol si Villaflor.

Tatakas pa sana si Refil dahil wala itong driver’s license.

Nang siyasatin ng mga kapulisan, nadiskubreng lasing ang mga suspek at bukod sa may dala pang 14-pulgada na haba ng patalim ay wala ring lisensya si Refil.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply