Parak tangkang suhulan, ginang kulong

ISINELDA ang isang ginang matapos tangkain suhulan ang mga pulis upang palayain ang anak na lalaki na nahuling may dalang shabu sa Caloocan City, kagabi, Oktubre 21.

Nahaharap sa kasong Corruption of Public Officials si Edna Morales, 63, ng Panday Pira, Bagong Barrio ng lungsod.

Lumalabas na nahuli ng mga pulis ang anak ng suspek na si Christopher Morales at nakuhanan ng dalawang sachet ng shabu kahapon ng umaga, dakong alas-10:00 sa M. De Castro St., Bagong Barrio ng lungsod.

Dakong alas-9:00 kagabi ay nagpunta sa presinto ang ginang at naglatag ng P100,000 sa mga pulis kapalit ng kalayaan ng anak.

Hindi naman nagpasilaw ang mga pulis at agad na isinelda ang ginang habang magiging katibayan ang dalang P100,000.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply