Parak tiklo sa pamamaril sa kelot

HULI ang isang parak makaraan umanong mapatay sa pamamaril ang isang lalaki sa Pasay City kaninang madaling araw.

Kinumpirma ni Pasay City Police Chief Manuel Turla na inaresto si PO1 Manolito Alcala, nakatalaga sa Regional Police Holding and Administrative Unit ng National Capital Region Police Office (NCRPO) makaraang ituro na siyang bumaril kay Mark Anthony Francisco sa Malibay, Pasay.

Ayon pa kay Turla, binawi na ang tsapa at police ID ni Alcala at dinisarmahan na rin ito ng  Pasay City Police.

Depensa ni Alcala na nirespondehan lamang niya ang gulo na nangyari sa naturang lugar ngunit nanlaban naman umano si Francisco kaya ito nabaril.

Napag-alaman naman sa panayam sa radyo kay Southern Police Director Benito Estipona na magsasagawa na ng masusing imbestigasyon sa insidente upang mabatid kung ano ang dapat na isampang kaso kay Alcala at mapagdesisyunan kung ito ay tatanggalin sa serbisyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply