Parak tinambangan, tigbak

DEAD ON THE SPOT ang isang kagawad nbg Philippine National Police Intelligence Group matapos na tambangan ng mga hindi pa nakikilalang salarin kahapon ng umaga habang patungo sa isang physical fitness program para sa mga pulis sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, inabot ng dagliang kamatayan ang biktimang si Senior Police Officer 4 Unwario Conception, 52 anyos at miyembro ng Intellegence Group ng Urdaneta PNP, at naninirahan sa Brgy. Camanang Roadside sa nasabing lungsod.

Base sa inisyal na pagsisiyasat ng PNP Urdanata, kasalukuyang tinatahak ni Concepcion ang national road ng Brgy. Nangcayasan sa lungsod ng Urdaneta sakay ng kanilang service car nang barilin ito ng mga hindi pa nakikilalang suspek.

Nabatid na patungo sana ang biktima sa physical fitness test para sa pagsasanay ng kapulisan nang isagawa ang pananambang .

Sa isinagawang pagsisiyasat ng PNP Scene of The Crime operative ay lumalabas na ginamitan ng mga suspek ng armalite rifle ang biktima base sa nakuha na pitong basyo ng bala ng cal 5.56 at 9mm pistol kung saan ay isang basyo ng 9mm ang nakuha sa pinangyarihan ng insidente.

Patuloy ang isinasagawang follow up investigation ng mga awtoridad upang alamin ang motibo sa pamamaslang at kilalanin ang mga nasa likod ng krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply