Pari: Bilanggo puwedeng maging santo

NANINIWALA ang isang Catholic priest na maging ang isang bilanggo na miyembro ng mga notoryosong Sputnik at Bahala Na Gang ay maaari ring maging santo.

Ang pahayag ni Monsignor Bobby Olaguer, chaplain ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, ay kasunod nang pagkakadeklara ni Pope Benedict XVI kay San Pedro Calungsod bilang ikalawang santo ng Pilipinas.

Ayon kay Olaguer, lahat ng tao ay makasalanan ngunit bawat isa ay may pagkakataong magbago at maging santo pa balang-araw.

Ipinaliwanag pa ni Olaguer na ang hindi maganda sa sangkatauhan ay maaari ring magkasala maging ang mabubuting tao.

Gayunman, lahat sila ay maaaring magbago, kahit pa aniya ang mga pinakamakasalanan sa lahat.

“There are saints who lived a holy life and there are also those who became sinners before becoming a saint. We all have a past but we also have a future,” paliwanag pa ni Olaguer.

“The opportunity for transformation is always there. That’s why we are doing everything to prepare our inmates for the future, not just their freedom from prison, but their future in facing God,” aniya pa.

Hinimok rin ni Olaguer ang mga mamamayan na huwag matakot sa mga inmate at sa halip ay hanapin ang kabutihan ng mga ito.

“Prisoners are human beings. We should not fear them. Let’s show compassion and our care for them instead,” aniya pa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply