Pari na kakandidato sa Masbate sinuspinde

(UPDATE) SUSPINDIDO na at hindi na papayagang magbigay ng religious services ang pari na sumuway sa kanyang obispo at itinuloy pa rin ang planong tumakbo sa lokal na halalan sa Masbate sa taong 2013.

Ayon kay Masbate Bishop Jose Bantolo, ang suspensiyon ni Fr. Leo Casas, 37, ay hakbang bilang pagtalima sa separation of state at church na nakasaad sa Saligang Batas at epektibo noon pang Oktubre 1, 2012.

Nabatid na isang decree ang inisyu ni Bantolo na nagsasaad na si Casas ay pinagbabawalan nang magbigay ng sakramento sa kanyang parokya at saan mang lugar sa bansa.

Ang naturang decree ay binasa sa lahat ng banal na misa nitong Linggo sa may 28 parokya ng diocese ng Masbate.

“Effective October 1, 2012, Fr. Leo is suspended of his ministerial functions, powers and duties as priest,” pahayag ni Bantolo, sa website ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

“The Church continues to maintain that the governance of political life is the role of the laity. All priests are suspended from their ministerial duties when they run for public office and or play an active, open and partisan role during elections,” aniya pa.

Matatandaang sinabi na ni Casas na handa siya sa anomang mangyayari sakaling ipagpatuloy niya ang planong kumandidato sa pagkagobernador ng Masbate.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply