Pari sa eleksiyon, may ‘messianic complex’

MAYROON umanong ‘messianic complex’ ang isang pari na nagnanais na tumakbo sa eleksiyon.

Ito ang sinabi ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), bilang reaksiyon sa pagtakbo sa 2013 polls ng dalawang pari ng Simbahang Katoliko.

Ipinaliwanag ni Cruz na ang mga paring nais na maluklok sa puwesto sa gobyerno ay naniniwala na kailangan nilang maging opisyal ng pamahalaan dahil walang ibang maaaring mangalaga sa kapakanan ng mga mamamayan.

“They believe nobody would take care of the people, nobody would serve the people without them getting elected into office,” ayon kay Cruz.

Sa kabila nito, sinabi ni Cruz na sa kasaysayan ng simbahan, lahat ng pari, religious sisters at mga Obispo na naging pulitiko ay nabigo sa kanilang magandang hangarin.

“There was once a missionary who was elected president but eventually ousted from office because a priest or religious will never succeed in politics,” kwento ni Cruz.

Sinabi pa ni Cruz na simple lamang naman ang rason dito, dahil kung ang isang pari ay nangangaral, walang sumusuway sa kaniya at siya ang hinahanap ng mga tao sa sandaling may problema ito, na siya naman aniyang taliwas sa pulitika.

Nanindigan rin si Cruz na walang lugar sa pulitika ang mga pari lalo na’t ang pulitika sa Pilipinas ay mistulang isang negosyo.

“Philippine politics is a great business and it is worth investing because the profits are really big and priests have no place in politics,” aniya pa.

Sa eleksiyon 2013, dalawang pari ang tatakbo sa local na halalan na kinabibilangan ni priest turned politician Eduardo Panlilio, na muling tatakbo sa pagka-gobernador ng Pampanga, at si Fr. Leo Casas, na tatakbo naman sa pagka-gobernador sa Masbate.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply