Pari sa publiko: Maging mahinahon

DAPAT maging mahinahon ang publiko kasabay nang pormal nang pagpapatupad ng Republic Act 10175 o Anti-Cybercrime Law.

Ang pahayag ay ginawa ni Fr. Conegundo Garganta, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)- Episcopal Commission on Youth (ECY), sa kabila ng pahayag ng ilang netizens na malalabag ng naturang bagong batas ang human rights at freedom of expression.

Ayon kay Garganta, ang lahat ng bagay ay maaari namang talakayin o pag-usapan sa mapayapang paraan.

Hindi rin nagustuhan ni Garganta ang ginagawang pag-hack sa ilang websites ng ilang grupo ng hackers bilang protesta sa pagpapatupad ng Anti-Cybercrime law.

“The advocates should discuss the issue with the government and not to resort in hacking government websites,” ani Garganta.

Iginiit pa nito na ang kalayaan ng isang tao ay hindi naman absolute at may mga kaakibat na responsibilidad.

Dapat rin aniyang mag-isip muna ang isang tao bago mag-click o magpaskil ng kung anu-ano sa internet.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply