Pari suspendido dahil sa pagpunta sa nightclub

SINUSPINDI ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang isang paring Katoliko at inalisan ng kaniyang clerical obligations matapos na mahuli sa camera na nasa loob ng isang nightclub.

Kasabay nito, pinalitan din ni Ongtioco si Fr. Alfredo “Bong” Guerrero bilang parish priest ng Our Lady of Perpetual Help sa Quezon City.

Ayon kay Fr. Aries Sison, spokesperson ng Cubao Diocese, ang suspensiyon ni  Guerrero ay kasunod ng impormasyong natanggap ni Ongtioco hinggil sa pagtungo ng pari sa isang nightclub, na naipalabas pa sa telebisyon.

Ipinaliwanag ni Sison na ginawa ito ni Ongtioco upang makaiwas sa mas matinding eskandalo at matulungan ang pari na higit pang magkasala.

“Nais naming ipaalam na one week ago last Tuesday (September 25,2012) si Bishop Honesto Ongtioco, the Bishop of Cubao, lift Fr. Bong Guerrero for his responsibility as Parish Priest of Our Lady of Perpetual Help sa Cubao. Iyon po ang unang measure, tinanggal siya bilang parish priest.  Pangalawa, sinuspinde din ni Bishop Ongtioco ang kanyang mga faculties as a priest.  Itong dalawang bagay na ito ay ginawa in order to avoid further harm, further scandal and to help the priest to fall into a greater sin,” ayon kay Sison, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Kasabay nito, tiniyak rin ni Sison na sasailalim sa “rehabilitation program” si Guerrero, na siyang ‘standard procedure’ para sa mga nagkakamaling pari upang mabigyan siya ng ikalawang pagkakataon na magbago.

Dahil sa suspensiyon ay hindi muna papayagan si Guerrero na magmisa o mag-administer ng iba pang sakramento hanggang hindi binabawi ng kaniyang Obispo ang suspension order.

Umapela rin naman ang diocese ng simpatiya at kapatawaran mula sa mga mamamayan na na-eskandalo sa ginawi ni Guerrero.

Hinimok rin ni Ongtioco ang publiko na ipagdasal ang lahat ng mga pari upang maging tapat sa kanilang bokasyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply