Partylist reps magpupulong vs Comelec

UPANG matigil na ang paunti-unting pagdiskuwalipika ng Commission on Elections (Comelec) sa mga naka-pwestong partylists, nakatakdang mag-caucus ang mga kinatawan ng partylists sa Kamara kasama si House Speaker Feliciano Belmonte, Jr.

Ito ang ipinahayag ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe na unang tinanggal ng Comelec matapos kumpirmahin ng komisyon ang pagkakadiskuwalipika pa sa APEC at 1-CARE Partylists.

Panawagan pa ni Batocabe na sabay-sabayin na sana ng Comelec ang listahan ng mga partylists na tatanggalin at hindi unti-unti dahil nakakaapekto ito sa kanilang gampanin bunga ng alalahanin na posibleng isunod na sila.

“Pakiusap ko huwag ng gumawa ng disqualification on a piecemeal basis. Gawin na ninyong buo kasi parang tinatakot na ninyo kami. Para kaming nasa bitayan, para kaming mga baboy sa koral na naghihintay kung sino ang susunod na kakatayin,” ayon kay Batocabe.

Ang Ako Bicol ay nakatakdang umakyat sa Supreme Court at aniya’y pinag-aaralan na ng partido ang paghahain ng impeachment complaint laban sa mga Comelec officials dahil sa pabago-bagong desisyon na maituturing na betrayal of public trust.

“Taumbayan ang naglagay sa amin, taumbayan din ang dapat na mag-alis sa amin,” sinabi pa ni Batocabe.

Ang 1-CARE Partylist Rep. na si Mike Rivera ay nagsabi na dudulog sila sa Supreme Court matapos magpulong ang mga board members ng partido.

Panawagan niya sa mga bomoto sa 1-CARE na huwag mawalan ng pag-asa dahil “tuloy ang laban.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply