Pasaway na alagad ng simbahan, dumarami – Santo Papa

DISMAYADO ang pamunuan ng simbahan dahil dumarami ang mga alagad ng simbahan na sinasabing mga ‘pasaway’.

Kaugnay nito, aminado si Pope Benedict XVI na may ilang mga alagad ng simbahan na masasabing bad fish o sa madaling sabi ay pasaway at matitigas ang ulo.

Ito ang inihayag ng Santo Papa sa ika-50 anibersaryo ng pagbubukas ng ikalawang Konsilyo Vaticano sa Basilika ni San Pedro sa Roma, Italya.

Dahil dito, nanawagan ang Papa sa mga katoliko na lalong paigtingin ang pananampalataya lalo na iyong mga nakararanas ng panlalamig at pananamlay dulot ng mga iskandalong kinasasangkutan ng Simbahang
Katoliko.

Samantala, naniniwala ang Santo Papa na ang mga nararanasang kontrobersiya ngayon ng simbahan ay maihahalintulad sa isang bangka na hinahampas ng alon sa gitna ng unos at kumpiyansa siyang malalampasan ito ng simbahan sa mga darating na panahon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply